^

Bansa

Courtesy lane sa OFWs na pa-Taiwan binuksan ng SSS

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Binuksan ng Social Security System (SSS)  ang isang “courtesy lane” sa  Diliman branch nito sa Quezon City upang mapabilis ang pagbibigay ng sertipikasyon sa mga miyembro na magta-trabaho sa Taiwan.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emilio de Quiros Jr., ang sertipikasyon ay magagamit ng mga SSS members na walang SSS ID para ma-comply nito ang mga requirements sa kanilang aplikasyon para sa pagkuha ng Taiwanese working visa.

Una nang inamyendahan ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa Pilipinas ang labor visa requirements sa mga Pinoy noong Pebrero 9 at sa ilalim ng bagong alituntunin nito, ang isang aplikante ay kailangang magpakita ng SSS ID.

Ang SSS certifications ay kinikilala ng Department of Foreign Affairs para sa  passport applications at identification purposes.

Matatandaang natigil ang paggawa ng ID ng SSS sa mga miyembro nito noong Abril 2010 dahil nasira ang card printing machines na kanilang ginagamit na nabili pa noong 1998.

ABRIL

AYON

CHIEF EXECUTIVE OFFICER EMILIO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

QUEZON CITY

QUIROS JR.

SOCIAL SECURITY SYSTEM

SSS

TAIPEI ECONOMIC AND CULTURAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with