MANILA, Philippines - Nabitin muli ang gagawing paghahatol ng Hong Kong court kay Ilocos Sur Rep. Ronald Singson matapos na ipagpaliban ang promulgasyon sa inamin niyang kasong drug trafficking sa susunod na linggo.
Kahapon ay natapos ang huling pagdinig at argumento at paghaharap ng mga testigo ng prosekusyon sa sala ni Judge Staley Chan para kontrahin ang alegasyon ni Singson na pang-personal nitong gamit ng nakuhang illegal drugs sa kanya habang papasok sa Chek Lap Kok International Airport sa Hong Kong noong Hulyo 11, 2010.
Itinakda ni Chan ang mga susunod na pagdinig sa kaso ni Singson sa Pebrero 22 at 24 upang talakayin naman ng korte kung anong ipapataw na parusa kay Singson.
Inaasahanan na kampo ni Singson na malaki ang pag-asa ng kongresista na mapababa sa tatlong taon na pagka-bilanggo ang kanyang hatol dahil na rin sa ginawang pag-amin nito sa kaso.
Nanawagan naman si Singson sa mga kasamahan niya sa Mababag Kapulungan ng Kongreso na hintayin muna ang magiging sentensya sa kanya bago isagawa ang hakbang ng House Ethics Committee na siya ay mapatalsik sa Kongreso.