^

Bansa

Constitutional experts pabor sa Cha-cha

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines –  Pabor ang halos lahat ng constitutional expert na dumalo kahapon sa ‘inagural hearing’ ng Senate Committee on Constitutional Amendments Revision  of Codes and Laws na amiyendahan na ang 1987 Constitution.

Sa pananaw nina da­ting Chief Justice Renato Puno, dating SC justices Florentino Feliciano, Vicente Mendoza, Adolfo Azcuna, UP President Jose Abueva, UP law dean Merlin Magallona, at maging si Sen. Miriam De­fensor Santiago, chairman ng komite, ngayon ang tamang pa­nahon para amiyendahan ang Konstitusyon lalo pa’t bago pa lamang ang gobyerno na pinamumunuan ng Presidente na may mataas na trust rating.

Ipinunto rin ni Puno na dahil  sa kasaluku­yang bicameral system  na gob­yerno nagkakaroon ng dead­lock ang da­lawang ka­pulungan ng Kongreso at masyado ring magastos ang kasalukuyang sistema kung saan magkahiwalay pa ang opisina ng Senado at ng House of Representatives.

Ayon kay Mendoza, da­pat nang ayusin ang justice system sa bansa na madalas nababahiran ng isyu sa pulitika.

Pabor si Abueva na maging parliamentary na ang porma ng gobyerno at palitan na ang tradisyunal na presidential government.

Naniniwala naman si Santiago na kung matutuloy ang charter change, maaaring ihalal ang mga delegado ng constitutional convention (Con-Con) sa 2013 at puwedeng gawin ang plebisito 2016 elections.

ADOLFO AZCUNA

CHIEF JUSTICE RENATO PUNO

CODES AND LAWS

CONSTITUTIONAL AMENDMENTS REVISION

FLORENTINO FELICIANO

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MENDOZA

MERLIN MAGALLONA

MIRIAM DE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with