^

Bansa

Col Querubin nag-apply na ng amnestiya

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagdesisyon na ring maghain ng ‘amnesty application’ si ret. Marine Col. Ariel Querubin sa administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy “ Aquino III kaugnay ng pagkakasangkot ng opisyal sa nasilat na 2006 coup de etat.

?Ang hakbang ayon kay Querubin ay matapos namang hindi siya mapabilang sa mga opisyal na inabsuwelto ng AFP General Court Martial sa kasong mutiny sa kabila ng inihain niyang motion for reconsideration.?

“ Well I intend to apply for amnesty already, I have given much time para maresolve itong kaso na ito pero mukhang, itong nangyari is a very good compromise”, ani Querubin sa mediamen.

Noong May 2010 national elections ay tumakbo sa senatorial elections si Querubin pero natalo ito.

“It’s high time to apply amnesty so I can formally apply for retirement and for us to move on,” paliwanag pa nito.

Sa kabila nito, nagmatigas pa rin ang kapwa nito akusadong si dating First Scout Ranger Regiment (FSSR) Chief Brig. Gen. Danilo Lim na mag-apply sa amnesty sa ilalim ng Amnesty Proclamation No. 50 ni PNoy.

 “I have no plan to avail of the amnesty in its present form… if I admit guilt, as I said in the past, that’s tantamount to exonorating the past administration of it’s so many sins,” ayon kay Lim .

Sa tala , aabot na sa 230 mutineers ang nag-apply ng amnestiya kabilang ang 62 opisyal at ang nalalabi pa ay mga enlisted personnel.

AMNESTY PROCLAMATION NO

ARIEL QUERUBIN

CHIEF BRIG

DANILO LIM

FIRST SCOUT RANGER REGIMENT

GENERAL COURT MARTIAL

MARINE COL

NOONG MAY

PANGULONG BENIGNO

QUERUBIN

WELL I

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with