Bilang ng mahihirap lolobo pa
MANILA, Philippines - Pagkatapos iulat ng pamahalaan na lumaki ng 970,000 ang bilang mga mahihirap sa bansa, higit na kinakailangan ngayon ng mamamayan ang mga polisiyang makatutugon sa kanilang mga pangangailangan.
Sa datos ng National Statistics Office, halos isang milyon ang nadagdag sa “mahihirap” na Pilipino mula 2006 hanggang 2009 at sa sunud-sunod na pagtaas ng mga presyo ng bilihin ngayong taon, tiyak na mas maraming anakpawis pa ang nalulubog sa kumunoy ng kahirapan araw-araw.
Ayon kay Joel Maglunsod, Executive Vice President ng grupong Anakpawis, napapanahon ngayon na isulong ang mga batas at polisiyang mag-aangat sa buhay ng mamamayan gaya ng makabuluhang dagdag sahod, reporma sa lupa, pagpigil sa deregulasyon ng presyo ng langis at iba pa.
Binanggit ito ni Maglunsod kaugnay ng anunsyo ng Malakanyang na mayroon na itong 17 priority bills na ilalako nito sa mga mambabatas ng Kongreso pero hindi pa sinasabi ng Malakanyang kung anu-ano ang 17 batas na ito.
- Latest
- Trending