MANILA, Philippines – May 70 personalidad sa 116 Filipino na inimbitahan ng Hong Kong kaugnay sa kanilang imbestigasyon sa naganap na Luneta hostage noong August 23, 2010 ang tumanggi na magtungo sa naturang bansa.
Tumangging dumalo sa inquiry sina dating National Capital Region Police Office (NCRPO) head Director Leocadio Santiago Jr., dating Manila Police District (MPD) head Chief Supt. Rodolfo Magtibay; Manila Vice Mayor Isko Moreno; Supt. Orlando Yebra, pinuno ng hostage negotiating team; Supt. Remus Medina, pinuno ng NCRPO intelligence unit; Alberto Lubang, driver ng Hong Thai travel bus at Danilo Nabril, photographer ng bus; Diana Chan, tour guide; Lourdes Amansec, executive ng Direction Travel and Tours; mamamahayag na si Michael Rogas, Melencia Gonzales na kaibigan ng napatay na hostage-taker na si Rolando Mendoza; at ang 59 pulis mula sa MPD.
Sa Pebrero 15 sisimulan ng Hongkong Coroner’s Court ang sarili nilang imbestigasyon sa naganap na hostage taking upang madetermina kung ang nakapatay sa walong hostages ay mula sa bala ni Mendoza at hindi sila biktima ng friendly fire.
Nauna nang nag-abiso si Manila Mayor Alfredo Lim na umaktong local crisis management committee sa hostage na hindi dadalo sa imbestigasyon ng HK.