MANILA, Philippines - Suportado ni Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan ang desisyon ni Pangulong Aquino na i-reset ang petsa ng regular elections sa ARMM at isabay na lamang sa national at local elections.
Sa isang statement, sinabi ng Regional Governor na suportado nila ang pagpapaliban ng halalan sa ARMM kung ang layunin ay malinis at maayos ang sistema ng eleksiyon hindi lamang sa ARMM kundi sa buong bansa.
Sa ilalim ng panukalang priority bill na ihaharap kay Pangulong Aquino sa Legislative-Executive Development Advisory Council (Ledac), ang regular elections sa ARMM ay isasagawa sa Mayo 2013 habang ang mga incumbent ARMM elective officials ay hanggang Setyembre 30, 2011 lamang.
Maari namang magtalaga ang Pangulo ng mga OIC hanggang sa maisagawa ang mga kuwalipikadong opisyal.
Sa ngayon ay nais ng Regional Governor na makasama ang kanyang pamilya at harapin ang kaso laban sa kanya.