^

Bansa

Pinoy utas sa Somali pirates

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Isang tripulanteng Pinoy ang nasawi matapos na mabaril ng mga umatakeng piratang Somali habang kasagsagan ng rescue operation ng anti-piracy naval force sa hina-hijack na barko sa karagatang sakop ng Seychelles.

Kinilala ng Department of Foreign Affairs ang Pinoy seaman na si Farolito Vallega na sakay ng hinayjack na MV Beluga Nomination.

Si Vallega ay nabaril at napatay ng mga pirata noong Enero 26 matapos na magwala at magalit ang mga pirata nang tangkaing sagipin ang mga hostages ng dalawang anti-piracy naval patrol vessels.

Sa ulat, ang German-owned MV Beluga Nomination ay na-hijack ng mga piratang Somali sa Seychelles noong Enero 22. Kabilang sa mga sakay ng nasabing barko ang 12 crew na kinabibilangan ng pitong Pinoy at iba pa mula sa Russia, Ukrain at Poland.

Nabatid na nakipag­habulan at nakipagputukan ang Naval rescue team at habang isinasagawa ang rescue, dalawang seamen kabilang ang isang Pinoy na si Ferdinand Aquino at isang Unkrainian ang tumalon sa nasabing barko na nasagip naman ng mga rescue team.

Isa  pang tripulanteng Pinoy na nakilalang si Elviro Salazar na sakay ng nasabing barko ang umano’y nawawala bu­nga ng pag-atake.

vuukle comment

BELUGA NOMINATION

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELVIRO SALAZAR

ENERO

FAROLITO VALLEGA

FERDINAND AQUINO

PINOY

SEYCHELLES

SI VALLEGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with