^

Bansa

Rabusa umiyak

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Naiyak si dating mili­tary budget officer Lt. Col. George Rabusa na nagbunyag ng AFP fund mess, matapos na marinig ang balitang nag-suicide ang kaniyang kumpare na si dating Defense Chief Angelo Reyes.

Ayon kay Rabusa, sa kabila nang nangyari sa kanila ng kaibigan ay labis niyang dinaramdam ang pagkamatay nito.

Hindi rin aniya niya maisip kung bakit nagawa ni Reyes na wakasan ang sariling buhay.

Aniya, higit pa sa kamag-anak ang turing ng mga Reyes sa kaniya lalo na’t dalawa sa mga anak ng yumaong heneral ay inaanak niya sa kasal, at halos pangalawang tatay na ang turing ng mga ito sa kaniya.

Madalas pa nga aniya siyang makikain sa taha­nan ng mga Reyes at ang huling pagkakataon na kumain siya doon kasama ang heneral ay pinagsaluhan nila ang masarap na spaghetti.

Nagpahayag rin ng pangamba si Rabusa na isisi sa kaniya ng pamilya at mga kaibigan ni Reyes ang pagpapatiwakal nito, bagamat tumangging magbigay ng pahayag kung maaaring may kina­laman sa suicide ang kaniyang testimonya laban sa heneral.

vuukle comment

ANIYA

AYON

DEFENSE CHIEF ANGELO REYES

GEORGE RABUSA

MADALAS

NAGPAHAYAG

NAIYAK

RABUSA

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with