^

Bansa

LWUA employees binatikos ang ads ng dating amo

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Hindi ikinatuwa ng mga kawani ng Local and Water Utilities Administration (LWUA) ang mga anila’y “papoging” paid ads ng kanilang dating hepe na si Prudencio Reyes Jr., na nabigong maupo bilang deputy commissioner ng Bureau of Customs.Matapos na matuklasan ng Palasyo na ito ay may nakabinbing kasong graft and corruption sa korte.

Ang mga ads ni Reyes ay lumabas ilang araw matapos na siya ay ilagay sa “on hold status” sa nasabing puwesto bilang BOC Deputy Commissioner for Intelligence Group na masasabing “juicy position”.

Ayon sa ilang empleyadong tumangging magpakilala, nagtataka sila kung saan kumuha ng pambayad sa napakamahal na ads ang mga sinasabing nakapirma sa patalastas na ‘naglilinis’ sa katauhan ni Reyes nang maging administrator ito ng LWUA noong panahon ni dating Pangulong Estrada.

Magugunita na si Reyes ay kinasuhan ng korap­syon ng apat niyang deputy administrators noong aministrador pa siya sa LWUA na may kinalaman sa P600 million Baguio water supply project at kinasuhan din ng harassment at oppression ng apat nitong tauhan matapos niyang ilipat ang mga ito ng ibang opisina.

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

DEPUTY COMMISSIONER

INTELLIGENCE GROUP

LOCAL AND WATER UTILITIES ADMINISTRATION

MAGUGUNITA

MATAPOS

PANGULONG ESTRADA

PRUDENCIO REYES JR.

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with