^

Bansa

100 M lagda target ng 'Save Palawan'

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines –  Pormal nang inilunsad ng Save Palawan Movement ang “No to Mining in Palawan” signature campaign na target makakalap ng 10 milyon lagda upang mawakasan na ang mga pagmimina sa lalawigan na sumisira sa kalikasan.

Pinangunahan ni Ms. Gina Lopez, ng ABS-CBN Foundation ang programa bilang suporta na rin sa paghingi ng hustisya sa pagkamatay ng environmentalist na si Dr. Gerry Ortega.

Nais ng grupo na hadlangan ang pagbibigay ng DENR ng mining permit sa may mahigit 40 mining applications dahil kung papayagan ito ay tuluyang mawawasak ang tirahan ng mga tao at pinagkukunan ng kabuhayan at wala ng matitirahan ang susunod na henerasyon.Sinabi naman ni Palawan Mayor Hagedorn na kailangan ang pagtutulungan ng bawat isa para mai­salba ang Palawan dahil sa kanyang bayan sa Puerto Princesa, ito lamang ang walang mining, walang pabrika at logging.

Nabatid na 50 porsi­yento ng pagkain sa Metro Manila ay nagmumula sa Palawan o may 6 milyon katao anya ang nasusuportahan sa pagkain ng Palawan sa isang araw.

  

DR. GERRY ORTEGA

METRO MANILA

MS. GINA LOPEZ

NABATID

PALAWAN

PALAWAN MAYOR HAGEDORN

PINANGUNAHAN

PORMAL

PUERTO PRINCESA

SAVE PALAWAN MOVEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with