^

Bansa

Militar 'di dapat iprayoridad sa budget sa gobyerno

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines –  Nanawagan sa pamahalaang Aquino ang samahan ng mga dating political detainees na huwag nang bigyan ng prayoridad ang militar sa pagkakaloob ng malaking pondo sa ilalim ng taunang budget.

Sinabi ni Fr. Dionito Cabillas, secretary general ng Samahan ng mga Detainees laban sa Detensiyon at Aresto o SELDA, ang nabunyag na mga katiwalian sa AFP ay sapat nang dahilan para higpitan ang sinturon ng militar. Lumalabas anilang hindi nagugugol lahat sa seguridad ng bansa ang daang bilyon na pondo ng militar kundi napupunta ang malaking bahagi nito sa bulsa ng ilang opisyal.

Ayon kay Cabillas, panahon na para ikonsidera ng gobyerno ang matagal nang panawagan na mas buhusan ng budget ang pangunahing serbisyo sa halip na ang military budget.

Taun-taon umano ay tumataas ang pondo ng militar base sa isinusumiteng budget ng Malakanyang at ngayong 2011, P104.5 bilyon ang budget nito, mas mataas ng 6.35 percent kumpara noong 2010.

AQUINO

ARESTO

AYON

CABILLAS

DETENSIYON

DIONITO CABILLAS

LUMALABAS

MALAKANYANG

NANAWAGAN

SAMAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with