^

Bansa

Minimum na sahod sa bus drivers

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines –  Upang maiwasan ang pagiging kaskasero ng mga bus drivers na nagi­ging sanhi ng aksidente lalo na sa EDSA, isinulong ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang panukalang batas na naglalayong gawing minimum ang sahod ng mga driver ng bus.

Sa Senate Bill  No. 2664  o “Competence Accreditation  Program and Minimum Wage for Bus Drivers Act” ni Santiago, sinabi nito na palaging iniuugnay ang aksidente ng mga bus sa Metro Manila at sa mga probinsiya sa kawalan ng training at  sa suweldo ng mga drivers na palaging nagmamadali upang maka-quota.

“Bus drivers operate their vehicles in a reckless and speedy manner since their income is dependent on the number of trips they make and the passengers they ferry in their limited hours of work. They are in effect always pressured to move fast,” sabi ni Santiago.

Pinuna rin ni Santiago ang kawalan ng pormal na training ng mga drivers at parang palaging nanga­ngarera sa mga lansangan.

Noong 2008, nakapagtala ng 4,825 aksidente ng bus ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) o average na 13 bawat araw. Sa unang limang buwan naman ng 2009, nakapagtala kaagad ng 1,488 bus-related accidents ang MMDA.

Sa pag-aaral na isinagawa ng Department of Transportation and Communication (DOTC) natuklasan na 85% ng mga aksidente sa lansangan ay dahil sa kamalian ng drivers.

Sa sandaling maging ganap na batas, ang mga bus driver ay tatanggap na ng minimum na sahod base sa itinakda ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards.

Magiging requirement din para sa mga gustong maging bus drivers ang pagkuha ng theory and hazard perception tests at practical driving test na ibibigay ng DOTC.

BUS

COMPETENCE ACCREDITATION

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

DRIVERS

DRIVERS ACT

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PROGRAM AND MINIMUM WAGE

REGIONAL TRIPARTITE WAGES AND PRODUCTIVITY BOARDS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with