^

Bansa

Yaman ng Dominguez brothers busisiin

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Hiniling ni Atty. Oliver Lozano sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na imbestigahan at pigilin ang lahat ng pera sa bangko at mga ari-arian ng magkapatid na Raymond at Roger Dominguez.

Sa kanyang liham sa AMLC, tinukoy ni Lozano na ang pagkakasangkot ng dalawa sa mga kaso ng carnapping at pagpatay ay sapat nang batayan para maimbestigahan ang dalawa sa posibleng paglabag sa Anti-Money Laundering Law.

Naghihinala rin si Lozano na ang kinita ng da­lawa mula sa iligal nilang gawain ay naibahagi nila sa kanilang mga pamilya o kaya ay ginamit sa pagnenegosyo para palabasing kumita sila sa legal na pamamaraan.

Dahil dito kayat hiniling din ni Lozano na maimbestigahan ang mga kaanak ng magkapatid na Dominguez gayundin ang kasintahan ni Raymond na si Katrina Paula.

Una nang ipinagharap ni Lozano ng reklamong carnapping with murder ang mag-utol sa Department of Justice (DOJ) dahil sa nangyaring pagpaslang sa kanyang anak na si Emerson.

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

ANTI-MONEY LAUNDERING LAW

DAHIL

DEPARTMENT OF JUSTICE

DOMINGUEZ

KATRINA PAULA

LOZANO

OLIVER LOZANO

RAYMOND

ROGER DOMINGUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with