Plea bargain ni Garcia pinapabawi
MANILA, Philippines - Matapos gisahin sa Senado, napapayag kahapon ng mga senador si Ombudsman Merceditas Gutierrez na maghain ng manifestation sa Sandiganbayan upang hilingin na ipagpaliban muna ang pagpapalabas ng desisyon sa plea bargain agreement na pinasok ng Ombudsman kay dating AFP comptroller Carlos Garcia.
Si Sen. Franklin Drilon ang unang humirit kay Gutierrez na bawiin muna ang mosyon para sa plea bargain dahil na rin sa mga bagong isyu katulad nang paglantad ni dating AFP budget officer George Rabusa at dating COA auditor Heidi Mendoza.
Una rito, iginiit ni Gutierrez na hindi basta-basta maaaring bawiin ang pinasok na plea bargain agreement dahil may sinusunod na proseso.
Pero napapayag rin si Gutierrez na pag-aralan ang paghahain ng mosyon.
- Latest
- Trending