'Di pag-upo ni Reyes sa BOC ipinagbunyi
MANILA, Philippines - Ipinagbunyi ng mga kawani ng Bureau of Customs ang pagkakabimbin sa pagpapaupo kay Prudencio Reyes Jr. bilang deputy commissioner for intelligence group ng BOC matapos matuklasan na hindi ito naitalaga sa administrasyong Aquino.
Bukod dito, sinasabing sangkot din umano ito sa patung-patong na kasong katiwalian at napatunayan umano sa Court of Appeals at Korte Suprema na nagkasala.
Ayon sa mga empleyado, natuwa sila nang pormal na ianunsyo ni Customs Commissioner Lito Alvarez na naka- freezed ang appointment ni Reyes dahil umano sa indikasyon na posibleng kabilang ito sa midnight appointment ng nakaraang administrasyon.
Naniniwala ang mga empleyado ng Customs na sapat na ang kasong 600 milyong pisong graft case na kinasasangkutan ni Reyes at ang pagkaka-convict sa kanya sa CA at SC upang hindi na ito makahawak pang muli ng anumang position sa gobyerno at hindi na kailanman dapat ma-reinstate.
- Latest
- Trending