^

Bansa

Suporter ni Mayor Cayetano sumugod sa Comelec

- Ni Butch Quejada/Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Sumugod kahapon at nagsagawa ng rally sa Commission on Elections (Comelec) ang may 1,000 supporters ni Ta­guig City Mayor Lani Ca­yetano upang ipahayag ang ka­nilang agam agam na mag­karoon muli ng da­yaan sa kautusan ng komisyon na mailipat ang mga ballot boxes ng Taguig sa Comelec warehouse. 

Sinabi ng mga ralista, saksi sila sa uri ng pulitika mayroon sa Taguig at ang pag-upo ng bagong liderato ang nagbigay pag-asa sa kanila kaya hindi sila papayag na muling magkaroon ng maniobra sa mga ballot boxes.

Magugunita na si Mayor Cayetano ang tumalo kay dating Justice Dante Tinga noong 2010 mayo­ral race habang si Comelec chairman Sixto Brillantes ang naging lawyer ni Tinga sa protesta.

Siniguro naman ni Chairman Brillantes na hindi siya makikialam sa election protest ng kanyang dating kliyente.

Anila, wala din daw katiyakan na hindi madadala ang mga balota sakaling mailipat ito sa Comelec kaya tutol sila dito.

Kamakalawa ay nag­hain ng extremely urgen omnibus motion ang kampo ni Cayetano sa Comelec 2nd division na humihiling na irekonsidera ang nauna nang order na nag-uutos na ilipat ang mga ballot boxes at madesisyunan muna ang mga nakabinbin na petisyon.

“There is no urgency in the transfer of said ballot boxes to the Comelec warehouse as would justify this honorable court’s violation of the Rules of Procedure and disregard of protestee’s right to due process of law and neglect of the pending threshold matters and incidents”, nakasaad sa 7 pahinang mosyon.

CHAIRMAN BRILLANTES

CITY MAYOR LANI CA

COMELEC

JUSTICE DANTE TINGA

MAYOR CAYETANO

RULES OF PROCEDURE

SHY

SIXTO BRILLANTES

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with