Camsur execs dismayado sa kanilang Prov'l Director
MANILA, Philippines - Nananawagan ang local executives ng probinsya ng Camarines Sur (CamSur) sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) para sa dagliang pagpalit kay Senior Supt. Jonathan Ablang bilang kanilang provincial director dahil sa umano’y “gross incompetence” nito sa pagsugpo ng kriminalidad sa lalawigan.
Kabilang sa mga nanawagan ay ang mga organisasyon ng Sangguniang Panlalawigan, alkalde at mga opisyal ng barangay.
Hinihiling din nila kina DILG Sec. Jesse Robredo, na siya rin concurrent chairman ng National Police Commission (Napolcom), na isulong ang local autonomy sa pagpapatibay ng kapangyarihan sa mga local executives na pumili ng PNP provincial directors o chief of police sa kanilang mga nasasakupan.
Sa tatlong magkakahiwalay na resolusyon, ang Liga ng mga Barangay, League of Municipalities (LMP) at ang Sangguniang Panlalawigan sa CamSur, kanilang sinabi rito na si Ablang ay hindi lamang nag-overstay sa kaniyang tour of duty bilang PD bagkus nawalan na rin sila ng kumpiyansa dito dahil sa “palpak” na panunungkulan nito sa peace and order sa probinsiya.
Sa report ni SPO4 Reynaldo Corporal ng Provincial Investigation and Detective Management Branch (PIDMB) ng Camarines Sur Police Provincial Office, hindi nagustuhan ng mga local executives ang drastic increase ng index crimes at ang nakakadismayang crime efficiency solution rate sa nagdaang 2009-2010 period o sa ilalim ng pamumuno ni Ablang.
- Latest
- Trending