^

Bansa

Hospital bill umabot na sa P1.7-M OFW na-tetano sa pako, kritikal

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Umabot na sa P1.7 milyon ang hospital bill ng isang 34-anyos na overseas Filipino worker dahil lamang sa tetano dulot ng naapakang kinakalawang na pako sa Saudi Arabia.

Nakilala ang OFW na si Eduardo Vidal, meka­niko ng isang auto shop sa Al-Ahsa, eastern province sa Saudi at tubong Wao, Lanao del Sur.

Nabatid kay John Leo­nard Monterona, regional coordinator ng Migrante-Middle East sa Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, mahigit 2 buwan na ngayong naka-confine sa Mousawat Hospital si Vidal at mahinang-mahina ang pangangatawan. Umaabot na rin umano sa SR150,000 o tinatayang P1.76 milyon ang kanyang bayarin sa ospital.

Handa naman uma­nong makipagtulungan sa Embahada ang employer ni Vidal para mapauwi ito sa Pilipinas. Ga­yunman, dahil sa maselang kalagayan nito ay hindi pa siya maaaring ibiyahe.

Si Vidal ay isinugod sa ospital noong Nobyembre 2010 matapos ma-impeksyon kasunod ng aksidenteng pagkakaapak nito sa isang ki­nakalawang na pako sa loob ng pinapasukang car shop.

Sa rekord, umalis sa Pilipinas ang nasabing OFW upang magtrabaho sa Saudi noong Setyembre 2008.

vuukle comment

AL-AHSA

EDUARDO VIDAL

EMBAHADA

JOHN LEO

MIGRANTE-MIDDLE EAST

MOUSAWAT HOSPITAL

PILIPINAS

SAUDI ARABIA

SI VIDAL

VIDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with