^

Bansa

Singson aamin ngayon sa HK court

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Nakatakdang humarap ngayon sa korte sa Hong Kong si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson at inaasahang maghahain ito ng “guilty plea” para sa kasong drug trafficking.

Una nang nagpahayag ng kahandaan ang kampo ni Rep. Singson, anak ni Ilocos Sur Gov Chavit Singson na maghain ng guilty plea sa korte na nakatakda sana noong Enero 26, 2011 subalit hindi natuloy ang pagdinig matapos mag-inhibit si Judge Stanley Chan, ng One Chai District Court sa Hong Kong.

Ilalaban din ng abogado ni Singson na si Atty. John Reading na ang kasong drug trafficking ng kanyang kliyente ay mapababa sa possession of illegal drugs dahil pansariling gamit lamang umano ang droga na nakuha sa kongresista.

Ayon sa mga law ex­perts sa HK, ang pag-amin ni Singson sa kan­yang kaso ay magpapa­baba ng sentensya nito na posibleng umabot sa tatlong taon at 9 na buwan kumpara sa habang buhay na pagkabilanggo. 

Hulyo 11, 2010 ng maaresto si Rep. Singson habang papasok sa Chek Lap Kok International Airport sa Hong Kong at sinampahan ng kasong drug trafficking sa Tsuen Wan Magistracy’s Courts matapos makuha sa kanyang hand carry bag ang 26.1 gramo ng cocaine at dalawang tableta ng diazepam o Valium.

Naibaba naman ito sa 6.6 gramo matapos na maibawas ang timbang ng botelya na pinaglagyan ng droga. 

Pinayagan naman ang kongresista na makapag-piyansa ng HK$2 milyon noong Agosto 19, 2010 sa kondisyong mananatili siya sa kustodya ng dalawang negosyanteng nagbayad sa kanya ng bail sa HK habang pinasurender ang kanyang travel documents sa North Police Station.

vuukle comment

CHEK LAP KOK INTERNATIONAL AIRPORT

HONG KONG

ILOCOS SUR GOV CHAVIT SINGSON

ILOCOS SUR REP

JOHN READING

JUDGE STANLEY CHAN

NORTH POLICE STATION

ONE CHAI DISTRICT COURT

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with