Epektib sa Commonwealth Ave.:60-km speed limit din sa Roxas Blvd.

MANILA, Philippines - Dahil epektibo at po­sitibo ang resulta sa pi­na­tutupad na traffic scheme ng Metropolitan Manila De­velopment Authority (MMDA) sa kahabaan ng Commonwealth  Avenue, pinag-iisipan na rin ng ahen­siyang ipatupad ito sa mga pangunahing lan­sangan ng Kalakhang May­nila lalu sa mga lugar na madalas na nagaganap ang sakuna.

Nais ng MMDA na li­mitahan sa 60-kilometro la­mang kada oras ang takbo ng mga sasakyan sa kahabaan ng Roxas Boulevard at Osmeña Highway bago pumasok ng South Luzon Expressway (SLEX).

Nabatid kay MMDA Chairman Francis Tolen­tino, dumami ang mga papuri sa kanilang ipi­na­tupad na sistema sa Com­monwealth Ave. ka­ya’t binabalak na nilang ipatupad din ito sa iba pang pangunahing lan­sangan.

Ayon pa kay Tolentino, may nagmungkahi pa nga na ibaba pa sa 50-kilometro kada oras ang takdang bilis ng mga sasakyan sa Commonwealth.

Kumpiyansa si Tolentino na makukumpleto nila ang mga makaba­gong kagamitan sa pagsukat sa tamang bilis ng sasakyan tulad ng ginagamit nila sa Commonwealth ?Avenue na ipinahiram sa kanila ng North Luzon Expressway.

Lubha aniyang napa­ka­mahal ng ganitong mga uri ng gamit, subalit uma­­asa siya na makakaya nilang magkaroon ng ga­nitong uri ng instru­mento para maipatupad ng ?maayos ang mga ila­latag nilang sistema sa iba pang mga panguna­hing kalye.

Umaasa rin ang MMDA chief na sa oras na mai­patupad ang ga­nitong uri ng sistema, ma­babawasan na ang mga nagaganap na aksidente sa mga lansangan.

Show comments