Epektib sa Commonwealth Ave.:60-km speed limit din sa Roxas Blvd.
MANILA, Philippines - Dahil epektibo at positibo ang resulta sa pinatutupad na traffic scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, pinag-iisipan na rin ng ahensiyang ipatupad ito sa mga pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila lalu sa mga lugar na madalas na nagaganap ang sakuna.
Nais ng MMDA na limitahan sa 60-kilometro lamang kada oras ang takbo ng mga sasakyan sa kahabaan ng Roxas Boulevard at Osmeña Highway bago pumasok ng South Luzon Expressway (SLEX).
Nabatid kay MMDA Chairman Francis Tolentino, dumami ang mga papuri sa kanilang ipinatupad na sistema sa Commonwealth Ave. kaya’t binabalak na nilang ipatupad din ito sa iba pang pangunahing lansangan.
Ayon pa kay Tolentino, may nagmungkahi pa nga na ibaba pa sa 50-kilometro kada oras ang takdang bilis ng mga sasakyan sa Commonwealth.
Kumpiyansa si Tolentino na makukumpleto nila ang mga makabagong kagamitan sa pagsukat sa tamang bilis ng sasakyan tulad ng ginagamit nila sa Commonwealth ?Avenue na ipinahiram sa kanila ng North Luzon Expressway.
Lubha aniyang napakamahal ng ganitong mga uri ng gamit, subalit umaasa siya na makakaya nilang magkaroon ng ganitong uri ng instrumento para maipatupad ng ?maayos ang mga ilalatag nilang sistema sa iba pang mga pangunahing kalye.
Umaasa rin ang MMDA chief na sa oras na maipatupad ang ganitong uri ng sistema, mababawasan na ang mga nagaganap na aksidente sa mga lansangan.
- Latest
- Trending