^

Bansa

Hiling ng CPD chief sa car dealers, inisnab

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Inisnab lamang ng mga car dealers at business establishments ang hiling ni QC Police Chief Benjarde Mantele na kung maaari ay ipagbigay alam sa pulisya kung magpapasok ng pera sa bangko o maglalabas ng sasakyan mula sa kanilang tindahan.

Ayon sa Car Dealers Association sa QC, wala silang katiyakan kung tahasang mapoprotektahan ng pulisya ang kanilang kapakanan oras na ibigay ang mga confidential issues na pinanghahawakan tulad na lamang ng pagdadala ng pera sa mga bangko.

Bagamat maganda anila ang adhikain ni Mantele sa kanyang binanggit, hindi pa rin sila kumbinsido na maipaalam sa  mga pulis ang ilang impormasyon  dahil minsan may mga pulis pa nga anila ang sangkot sa krimen.

Nangako naman si Mentele sa pulong sa pagitan ng mga car dealers mula sa Commonwealth Avenue­, Banawe, Edsa at Quezon Ave. na dodoblehin ang police­ visibility sa lugar upang pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga tauhan at ng publiko doon.

AYON

BAGAMAT

BANAWE

CAR DEALERS ASSOCIATION

COMMONWEALTH AVENUE

EDSA

INISNAB

POLICE CHIEF BENJARDE MANTELE

QUEZON AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with