Taas pasahe sa LRT, MRT ikokonsulta sa mga pasahero
MANILA, Philippines - Nakatakdang magdaos ng dalawang araw na ‘public consultation’ ang Department of Transportation and Communications (DOTC) sa Pebrero 4 at 5 hinggil sa planong pagtaas ng pasahe sa Light Rail Transit at Metro Rail Transit.
Sinabi ni DOTC Undersecretary Dante Velasco, sisimulan ang konsultasyon ganap na alas-9 ng umaga. Ang araw ng Biyernes ay ilalaan nila sa mga estudyante, habang ang Sabado ay para sa mga manggagawa na siyang labis na apektado ng napipintong ‘fare hike’.
Layunin ng konsultasyon na makabuo ng mga ‘idea’ ang DOTC hinggil sa posibleng epekto ng pagtaas ng pasahe sa LRT at MRT.
Inihayag ni Velasco na ipapaliwanag nila sa publiko kung bakit kailangan ng magtaas ng pasahe para higit umanong mapaganda ang serbisyo sa taong bayan at matustusan ang tumataas na ‘maintenance’ ng mga ‘coaches’ ng LRT at MRT.
- Latest
- Trending