Misis ni Albert Martinez inilagay sa MTRCB

MANILA, Philippines - Itinalaga ni Pangulong Aquino bilang miyembro ng Movies and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang maybahay at cancer-survivor na si Liezel Fuentes-Martinez.

Nilagdaan kahapon ni Pangulong Aquino ang appointment papers ni Martinez bilang member ng MTRCB na pinamumunuan ng anak ng yumaong action king Fernando Poe Jr. na si Mary Grace Poe-Llamanzares.

Si Martinez ay anak ng beteranang aktres na si Amalia Fuentes na dati ring miyembro ng MTRCB.

Samantala, muling inalok ni Pangulong Aquino na magsilbi pa ng 6 na taon bilang gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas si BSP Gov. Amado Tetangco.

Ayon kay Aquino, tiwala siya sa kakayahan ni Tetangco sa pamumuno nito sa BSP upang maituloy nito ang kanyang mga nasimulang programa upang mapatatag ang sistema ng bangko sa bansa.

Si Tetangco ay appointee ni dating Pangulong Gloria Arroyo at ang kanyang termino ay magtatapos sa July 2011.

Show comments