^

Bansa

3.52M dayuhan bumisita sa Pinas

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Nakapagtala umano ng “all-time high” ang Pilipinas sa dami ng mga turis­tang dumayo sa bansa sa nakalipas na taon.

Ito ay sa kabila ng na­ganap na hostage-taking incident nuong Agosto 23, 2010 kung saan walong Hong Kong tourist ang nasawi at sa kabi-kabilang travel advisory na ipinalabas ng iba’t bansa sa Pilipinas kabilang na ang Estados­ Unidos, United Kingdom, Australia, France at Canada.

Ayon sa Department of Tourism, umabot sa mahigit tatlong milyon o kabuuang 3.52 million ang inbound visitor sa Pilipinas nuong 2010 na mas mataas kaysa sa itinakdang target ng gobyerno na 3.3 million.

Apatnapu’t apat na porsyento sa mga dayuhang bumisita sa bansa ay nagmula sa East Asia kung saan pinakamarami ang nanggaling sa Korea na may mahigit 740,000 tourist arrival.

Pumapangalawa ang US na umabot sa mahigit 600,000 ang bilang ng kanilang mamamayan na bumisita sa Pilipinas.

Marami rin sa mga dayuhang bumisita sa bansa ay nagmula sa Taiwan, Japan, China at Hong Kong.

Tinukoy ng DOT na kumita ang Pilipinas ng mahigit P112 billion mula sa naitalang tourist arrival nuong 2010 na mas mataas kaysa sa mahigit P106 billion na kita nuong 2009.

AGOSTO

APATNAPU

AYON

DEPARTMENT OF TOURISM

EAST ASIA

HONG KONG

MARAMI

PILIPINAS

UNITED KINGDOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with