MANILA, Philippines - Dapat ipabusisi ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang napapabalitang mayroon umanong nangyayaring ‘ghost delivery’ ng mga gamot sa Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP) na sinasabing gamit ng mga presong nagkakasakit sa kulungan.
Sinabi ng reliable source, ang balitang kumakalat ay dapat makarating sa tanggapan ni SILG Jesse Robredo at BJMP director Rosendo Dial upang mabusisi at malabas ang katotohanan kung totoo man ang nangyayaring kalokohan para managot ang may sala.
Sabi ng reliable source, kailangan atasan ni Robredo ang internal affairs service nito para ma-audit ang records ng BJMP-NCR dahil may kumakalat na balitang may sabwatan para maniobrahin ang supply ng pagkain at gamot.