Mga katutubo benepisyaryo ng $5.9-B mining project
MANILA, Philippines - Nagdeklara ng pagsuporta ang liderato ng Kiblawan Municipal tribe council sa Davao del Sur para sa panukalang $5.9 bilyong copper-gold project sa South Cotobato.
Ayon kay B’laan Chieftain Gideon Salutan, malaki ang magiging pakinabang ng bayan ng Kiblawan dahil tatayuan ito ng malalaking pasilidad kapag nagsimula na ang operasyon ng minahan.
“Ang aming tribo ay para sa proteksiyon ng kapaligiran. Ngunit pabor din kami sa responsableng pagmimina,” dagdag ni Salutan. “Mayroon kaming scholarships, serbisyong pangkalusugan, at mga trabaho dahil sa Tampakan mining project at kailangan namin ang mga ito.”
Ayon sa rekord ng PhilHealth, 3,000 kabahayan ang nakalista sa health program ng Sagitarrius Mines, Inc. (SMI), ang kompanyang kinontrata ng gobyerno para sa Tampakan project. Nagmamantine rin ang SMI ang halos 14,000 iskolar sa elementary, high school at kolehiyo.
- Latest
- Trending