MANILA, Philippines - Ibinunyag kahapon ni Bagong Henerasyon Party List Rep. Bernadette Herrera-Dy ang nakaambang pagtataas sa presyo ng tubig sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Sinabi ni Rep. Herrera-Dy, ito ay matapos ibasura ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang kanyang petisyon kaugnay sa pagkuwestyon sa planong pagtataas ng water rate ng Maynila Water Services Inc. at Manila Water Corporation.
Ayon kay Dy, aabot sa P3 ang itataas sa bawat makokonsumong cubic meter ng mga consumers ng 2 water concessionaire.
Aniya, bago magpatupad ng water rate hike ang mga ito ay dapat muna nilang i-refund sa mga consumers ang mahigit P1 bilyon na kinolekta nila sa mga consumers para sa unimplemented na water and sewerage improvement projects.
“The new round of water rates increases will again jolt Filipinos who are still reeling from the successive hikes in prices of prime commodities and basic services. The MWSS-RO must fully tell us whose side they are protecting,” paliwanag pa ng mambabatas.