Car insurance firms pinapasilip sa carnapping

MANILA, Philippines - Pinakikilos na rin ni Iloilo Rep. Jerry Trenas ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) para siyasatin ang mga kumpanya ng seguro ng sasakyan.

Sabi ni Trenas, posibleng may sabwatan ang ilang car insurance firms sa mga sindikato ng carnapping dahil ipinapasa ang mga ninanakaw na sasakyan upang legal at walang aberya na maiparehistro sa Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay Treñas, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, batay sa nakakalap niyang mga impormasyon, karaniwang pinupuntirya ng mga karnaper ang mga sasakyang katulad na modelo at kulay ng mga nawasak sa mga matinding aksidente.

Ibinibenta umano ang rehistro, opisyal na resibo at iba pang dokumento ng mga naturang wasak na sasakyan sa mga sindikato upang magamit bilang malinis na papeles ng mga nakaw na behikulo.

Show comments