'No helmet, no ride' sa Bulacan
MANILA, Philippines - Isinulong ni Bulacan Governor Wilhelmino M. Sy- Alvarado ang pagpapatupad ng “No Helmet, No Ride” para matiyak ang kaligtasan ng mga motorist sa Bulacan.
Binigyang diin ng gobernador na suportado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang pagpapatupad ng helmet law.
Sa ilaling ordinansa 03-T09 na inaprubahan ng Sangguniang Panglalawigan noong boise gobernador pa si Alvaro, lahat ng motorcycle riders, back rider sa Bulacan ay dapat magsout ng helmet. Hindi kasama ditto ang mga drayber ng traysikel.
Sa unang paglabag ay multang P1,000 at sa ikalawang paglabag naman ay multang P2,000 na may kasamang pag-impound sa motorsiklo at pagkabilanggo ng isang buwan.
- Latest
- Trending