MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ni Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo sa mga motorista na sundin ang mga traffic regulation sa Commonwealth Avenue upang maiwasan ang mga nakamamatay na aksidente sa naturang highway.
Ayon kay Castelo, ang mga bagong regulasyon ay ginawa ng Task Force Commonwealth na kanyang pinangunahan bilang bahagi ng kanyang proyekto na gawing accident-free ang kinatatakutang kalsada sa Quezon City.
Itinatag ni Castelo ang task force matapos ang malupit na sinapit ng isang retired judge at asawa nito sa isang vehicular accident bago magpasko nuong nakaraang taon kung saan niragasa ng isang bus ang sinasakyan nilang Pajero. Namatay agad ang dalawang biktima matapos ang aksidente.
Bilang bahagi ng task force, nag-designate na ang MMDA na bawat lanes para sa mga bus, jeep, at motorsiklo sa Commonwealth. Mahigpit din umanong ipatutupad ang loading at unloading zone pati na ang pedestrian lane-only crossing.