^

Bansa

Pasahero ng MRT, LRT bibigyan ng insurance

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Suportado ng isang grupo ng mga commuter at maging ng Light Railway Transit Administration (LRTA) ang panukala na mabigyan ng insurance ang mga mananakay ng MRT at LRT.

Ayon kay Elvira Medina ng National Council for Commuter Protection (NCCP), noon pa man ay hinihiling na nila sa pamunuan ng MRT at LRT na mabigyan ng insu­rance ang kanilang mga pasahero upang may tiyak na makukuha ang mga ito sakaling may mga mangyaring aksidente.

Ikinatuwa ng grupo ang naging hakbang sa mababang kapulungan ng Kongreso kung saan kahapon ay una ng inihain ni A-teacher Partylist Rep. Julieta Cortuna ang “Insurance for Railway Passengers Act” na nag­lalayong mabigyan ng hospitalization at death benefits ang mga mana­nakay ng MRT at LRT lalo na ngayong itataas na ang pasahe rito.

Nilinaw naman ni LRTA spokesperson Atty. Hernando Cabrera na kahit wala ang nasabing panukala ay matagal na silang may inilaang insurance para sa mga pasahero ng LRT.

Inihalimbawa ni Cabrera ang insurance na ibinibigay nila sakaling may mga maganap na terrorist attack sa kanilang mga tren.

Para naman aniya sa mga aksidente tulad ng pagkadiskaril ng tren o di kaya’y banggaan ay may inilaan silang P50 milyong pondo para rito.

Tiniyak naman ni Cab­rera na pabor sila sa nasabing panukalang batas lalo na’t para ito sa kapakanan mga pasahero, gayunman ang nakikita nilang problema ay ang mahal na premium na sinisingil ng GSIS.

Ikinagalak naman ng kapulisan ang nasabing panukala dahil sa tiyak umano na magiging mahigpit ang seguridad na ipapatupad sa LRT at MRT stations.

AYON

COMMUTER PROTECTION

ELVIRA MEDINA

HERNANDO CABRERA

JULIETA CORTUNA

LIGHT RAILWAY TRANSIT ADMINISTRATION

NATIONAL COUNCIL

PARTYLIST REP

RAILWAY PASSENGERS ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with