May hawak ng kaso ni Willie sa CA nag-inhibit
MANILA, Philippines - Nagbitiw ang isang mahistrado ng Court of Appeals (CA) sa paghawak ng kaso sa pagitan ng television network na ABS-CBN at ni Willie Revillame bilang pagsunod sa Rules of Court na dapat na magbitiw ang isang mahistrado sa paghawak sa kaso kung may koneksyon o relasyon sa anumang partido.
Sa 3-pahinang resolusyon na ipinalabas ng nag-inhibit na si Associate Justice Samuel Gaerlan ng Special 14th Division, sinabi nito na matapos umano niyang mabatid na siya ang hahawak sa kaso ay agad itong nagbitiw upang maalis ang hinalang bias dahil na rin ang asawa umano ng senior partner at counsel ng ABS-CBN ay pinsang buo nito.
Ang aksyon ni Gaerlan ay bunsod sa nakasaad sa Sec 1 ng Rule 137 ng Rules of Court na ipinagbabawal sa sinumang hukom o Judicial officer na humawak ng anumang kaso na mapapatunayang mayroong relasyon sa magkabilang panig hanggang sa ikaapat na degree.
Matatandaan na ang kaso ay may kaugnayan sa breach of contract at paglabag sa intellectual property rights na inihain ng ABS-CBN management laban sa kanilang dating talent na si Revillame matapos na lumabas ito sa kalabang network na TV 5 kung saan mayroong kahalintulad na programa na gaya ng sa ABS-CBN.
Bunsod sa pag iinhibit ni Gaerlan kayat muling ni-raffle ang nasabing kaso.
- Latest
- Trending