MANILA, Philippines – Malaki ang matitipid ng kaban ng Marikina City ngayong taon dahil sa nagsumite ng mababang presyo sa pangongolekta ng basura ang nanalong contractor matapos ng public bidding.
Ayon kay City Engr. Alfonso Espiritu, chairman ng bids and awards committee, ang International Solid Waste Integrated Management Specialist, Inc. (ISWIMS) ang pinaka-mababang nag-submit sa lahat ng 12 sumali sa bidding, ay sisingil lamang ng P2,200 kada trip ng kanilang truck samantalang ang dating contractor, ang IPM Construction and Development Inc. ay sumisingil ng P4,900 per trip.
Ang IPM Construction ay naging contractor ng city government ng halos 15 taon, na panahon nina dating mayor Bayani Fernando at ang kanyang maybahay na si Marides, ayon sa city hall officials.
“Now, Marikina will benefit from this by using the huge savings for other priority projects like dredging and other infrastructure projects,” ayon kay Mayor Del de Guzman.
Ang siyudad ng Taguig ay nakatipid din ng P7 milyon garbage fees ng pinalitan nila ang IPM Construction na maging garbage hauler kamakailan.
Nagpasalamat din si de Guzman sa mga sumaling contractors na nirespeto at sinunod ang kanilang bagong patakaran matapos batikusin ng ibang grupo na ang bidding ay para sa lamang sa pinapaborang contractor.