^

Bansa

Ka Bart tinangkang itakas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nasilat ng Philippine Army ang tangkang pagtatakas sa naarestong no. 2 man ng CPP-New People’s Army sa Southern Tagalog na si Tirso Alcantara alyas Ka Bart matapos masakote ang security escort nito sa Fort Bonifacio kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Army spokesman Col Antonio Parlade Jr., tinangkang pumasok sa himpilan ng Phil. Army ang suspect na si Romulo Luna bandang alas-6:15 ng gabi.

Naaresto naman ito ng naalertong Military Police ng dumaan sa pedestrian entry sa Gate 2 ng Army headquarters habang nakatakas ang dalawa pa nitong kasamahan.

Sinabi ni Parlade na walang maipakitang identification si Luna na kahina-hinala ang kilos ng sitahin ng mga guwardiya kung saan nakapa ang isang apple type na granada na nakatago sa bulsa ng short pants na suot nito.

Sa imbestigasyon, positibong kinilala ng dalawang rebel returnee at ng tatlo sa lima sa Morong 43 na nasa kustodya ng military na tauhan ni Ka Bart ang suspect.

Ayon kay Parlade, si Luna ay security escort ni Ka Bart, may P2.6-M reward at miyembro ng SPARU unit sa Southern Tagalog Regional Party Committee.

“He is conducting a survey on the security camp probably for possible rescue of Ka Bart,” anang opisyal.

Itinurnover na sa Ta­guig City Police si Luna na nadiskubre ring may warrant of arrest sa kasong murder sa RT Branch 61 sa Gumaca, Quezon.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nagpapagaling si Ka Bart sa Fort Bonifacio Hospital sa tinamo nitong sugat sa puwet matapos masakote ng tropa ng militar kasama ang isa nitong aide na si Apolinario Cuarto alyas Ka Polly sa operasyon sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City noong Enero 4, 2011.

APOLINARIO CUARTO

AYON

CITY POLICE

COL ANTONIO PARLADE JR.

FORT BONIFACIO

FORT BONIFACIO HOSPITAL

IBABANG IYAM

KA BART

KA POLLY

LUCENA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with