40% ng imbestigador, 'walang alam' - PNP chief

MANILA, Philippines - Inamin ni PNP chief Raul Bacalzo na 40 percent ng mga imbestigador ng pulisya ay walang kasanayan sa makabagong estilo ng pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga kasong criminal.

“So we have 10,000 investigator, yung 40 % yun ang walang advance formal investigation training , mali yung 60 %”, paliwanag pa ni Bacalzo.

Sinabi ni Bacalzo na noong siya pa ang hepe ng Directorate for Investigation and Detective  Management (DIDM) ay kaniya ng ipinanukala ang pangangailangan mapatatag pa ang ‘investigation training ‘ ng kapulisan.

Iginiit pa ni Bacalzo, lahat ng kanilang pulis ay sumailalim sa basic investigation training ngunit hindi lahat ay sumailalm sa formal and advanced para maging ganap na imbestigador.

Kaugnay nito, pinaplano na  ng PNP na irebisa ang ‘entry level basic training courses ‘ para sa mga pulis kung saan palalakasin ang imbestigasyon at police operations .

Nabatid kay PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., na ipapaloob sa Curriculum ang 6 buwang Police Basic Recruit Course bilang bahagi ng training module sa Basic Crime Investigation. 

Show comments