HR victims tatanggap ng compensation - CHR
MANILA, Philippines - May mahigit sa 7,000 indibidwal ang naging biktima ng human rights violations noong rehimeng Marcos ang kabilang sa tatanggap ng $7.5 milyon compensation fund.
Ito ay matapos na tumulong ang Commission on Human Rights (CHR) na mapadali ang pag verify ng mga claimants kung saan kabilang dito si CHR Chairperson Etta Rosales.
Ayon kay Marie Cruz, media relations officer ng CHR, na bagamat kasama si Rosales sa claimants, tinanggihan nito ang matatanggap na parte sa naturang halaga ng compensation fund bagkus ay ido-donate na lamang niya ito sa isang foundation.
Anya, nakipag ugnayan na rin si Rosales kay Atty Robert Swift, lead counsel sa inihaing class suit para maayos ang proseso sa pamamahagi ng pera sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.Sinabi ni Cruz na tatanggap ng $1,000 ang bawat biktima o miembro ng isinampang class action suit laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
- Latest
- Trending