^

Bansa

Comelec chair Brillantes sumabak na sa trabaho

- Ni Mer Layson/Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Pormal nang sumabak sa trabaho sa Commission on Elections (Comelec) si newly-appointed chairman Atty. Sixto Brillantes kahapon.

Kaugnay nito, umapela si Brillantes sa publiko na bigyan siya ng pagkakataong patunayan na karapat-dapat siyang maging bagong pinuno ng poll body.

Si Brillantes ay itinalaga ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa puwesto nitong Sabado ng hapon matapos na magpasya si dating Comelec chairman Jose Melo na mas maagang bumaba sa puwesto, bilang pagbibigay-daan sa kaniyang appointment.

Pinawi rin naman ni Brillantes ang pangamba ng ilang kritiko na isa siyang “operator” ng halalan dahil sa pagiging election lawyer nito, kung saan ilan sa mga napagsilbihan niyang mga popular na kliyente ay sina Pangulong Benigno Simeon Aquino III, dating Pangulong Joseph Estrada at maging ang pamilya ng mga Ampatuan.

Tiniyak rin ni Brillan­tes na sisiguruhin niyang magkakaroon na rin sa wakas ng isang matagumpay at fully-automated na halalan ang bansa sa taong 2016.

Pag-aaralan aniya ng poll body kung gagawin nilang synchronized ang naturang halalan sa 2013 mid-term elections, na siya ring dahilan kung bakit kinakailangan niya kaagad na makaupo sa puwesto.

Idinepensa ng Malacanang ang pagtatalaga ni Pangulong Aquino kay Comelec chairman Sixto Brillantes.

vuukle comment

AMPATUAN

BRILLAN

BRILLANTES

COMELEC

IDINEPENSA

JOSE MELO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO SIMEON AQUINO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SI BRILLANTES

SIXTO BRILLANTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with