Plastic, styrofoam bawal na sa Muntinlupa
MANILA, Philippines - Mula bukas, bawal na ang paggamit ng plastic bags at styrofoams sa lungsod ng Muntinlupa City.?
Sinabi ni Muntinlupa Mayor Aldrin San Pedro na pinal na ang naturang petsa at walang ekstensyon na ibibigay para sa mga negosyante sa lungsod matapos na bigyan na nila ng isang taon ang mga ito para makapaghanda.
?Nabatid na ipinasa ang Ordinance 10-109 ng Muntinlupa City Council noon pang Enero 2010 kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng plastic bilang packaging material sa lahat ng dry at wet goods at styrofoam sa pagbalot sa mga pagkain at iba pang produkto na binibili sa mga establisimiyento.?Isa umanong non-biodegradable o hindi nabubulok ang plastic bags at mga styrofoam na bumabara sa mga kanal at iba pang daluyan ng tubig na nagiging dahilan ng pagbaha habang nakakasira sa ozone layer kapag sinunog.
Tinataya ng Muntinlupa Engineering Department na nasa 90% ng kanilang ginagastos sa paglilinis ng mga drainage ay dahil sa mga nakabarang materyales na plastik.?
Kabilang sa mga ipagbabawal ang mga sando bags, pouch, plastic shopping bags, plastic film bags, at Styrofoam tulad ng food containers, cups, plates at iba pang kauri nito.
- Latest
- Trending