^

Bansa

P1.5B pinsala ng flashflood at landslide; death toll: 47

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines –  Lumobo na sa P1.5 bilyon ang pinsala sa agrikultura, imprastraktura at mga ari-arian habang tumaas na rin sa 47 katao ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng mga flashflood at landslide na bunsod ng malakas na pagbuhos ng ulan sa  Regions IV-B, V, VI, VII, VIII, X, XI, ARMM at CARAGA.

Sa report na ipinalabas kahapon ni National Disaster Risk  Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, aabot na rin sa halos 1.3 M bilang ng populasyon ang apektado ng kalamidad.

Kasabay nito, dalawa pang lugar ang isinailalim sa state of calamity na kinabibilangan ng Silay City at Victorias City na pawang sa Negros Occidental.

Nagbabadya pa rin ang flashfloods at landslides sa lalawigan ng Quezon at Bicol Region kaya pinag-iingat ang mga residente.

Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, pinakahu­ling bilang ng mga nadagdag sa mga nasawi ay mula sa Catanduanes, Sorsogon at Camarines Sur sa Bicol Region; Negros Occidental sa Western Visayas .

Ayon sa NDRRMC ang mga pagbaha at pagguho ng lupa ay nakaapekto sa 268,079 pamilya o 1,388,830 katao sa may 1,471 barangay sa may 147 bayan, 16 lungsod sa 25 lalawigan  na sinalanta ng kalamidad sa loob ng mahigit 2 linggo.

vuukle comment

BICOL REGION

CAMARINES SUR

EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

NATIONAL DISASTER RISK

NEGROS OCCIDENTAL

REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

SILAY CITY

VICTORIAS CITY

WESTERN VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with