^

Bansa

Caparas di tumatakas sa BIR

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines –  Pinabulaanan kahapon ni film and television director Carlo J. Caparas na tinatakasan niya ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay ng pagbabayad ng kanyang buwis na nagkakahalaga ng P540 milyon.

Ito ay matapos na personal na dumalo sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ) si Caparas at magsumite ng kanyang counter affidavit kay Senior State Prosecutor Rosanne Balauag.

Inamin ni Caparas na mayroon siyang pagkakamali subalit wala umano itong kasalanan kaugnay sa kasong tax evasion na isinampa laban sa kaniya ng BIR noong Oktubre 2010.

Pinagbabayad naman ng BIR si Caparas ng halagang P540 mil­yon para sa mga hindi nito nabayarang buwis, surcharges at penalties dahil sa kabiguan nitong magbayad ng tax returns mula taong 2006 hanggang 2009.

Base sa imbestigasyon ng BIR, lumalabas na nakatanggap si Caparas ng halagang P850 milyon mula sa Philipine Chartiy Sweepstakes Office (PCSO) bilang kabayaran sa pag direksyon at produksyon ng ibat-ibang television programs.

Subalit nabigo umano si Caparas na ideklara ang income nito at magbayad ng kaukulang taxes kayat kinasuhan ito ng BIR.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CAPARAS

CARLO J

DEPARTMENT OF JUSTICE

INAMIN

OKTUBRE

PHILIPINE CHARTIY SWEEPSTAKES OFFICE

PINABULAANAN

PINAGBABAYAD

SENIOR STATE PROSECUTOR ROSANNE BALAUAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with