^

Bansa

Flour miller, sumigaw ng harassment

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines –  Ipinahayag kaha­pon ng Food and Drugs Administration (FDA) na ligtas  kainin at hindi  mapanganib ang  harina na ginagawa ng Marco Polo Flour Mills Inc. matapos na lumabas sa pagsusuri  noong  Nobyembre 4, 2010 ni FDA analyst Edna Bacalla.

Batay sa report, ang flour sample ay nakuha ng mga pulis sa  kanilang pagsalakay  sa Marco Polo factory sa Valenzuela City.

Lumilitaw sa report na negatibo sa potassium bromated ang harina ng Marco Polo sa kabila ng sinasabi ng ilang mga pulis na ito ang batayan ng kanilang paghingi ng  search warrant mula kay Manila Regional Trial Court Judge Amor Reyes.

Ayon sa kinata­wan ng Marco Polo, alam ng mga pulis ang re­sulta ng FDA sa ka­nilang produkto  dahil sila ang nagsumite nito sa FDA subalit mali naman ang kanilang pagbibigay ng im­pormasyon kung saan sinabi ng mga  awtoridad na hindi dapat na gamitin at ma­panganib ang  nasabing harina.

Nabatid na kabubukas lamang ng Marco Polo noong Oktubre kung saan ibinebenta sa mababang halaga ang  harina sa P570  kada 25-kilo  bawat sako na mas mababa kumpara sa  presyong P650 na ipinatutupad ng ilang  flour miller.

Napag-alaman pa na  mas mababang presyo ng harina ang  handang i-supply ng Marco  Polo sa  merkado partikular na sa mga  ba­kery na gumagawa ng pandesal  na kinakain ng masa.

Nagtataka lamang umano sila sa patuloy na pagsalakay ng mga pulis samantalang wala nang bisa ang  search warrant at pawang harassment ang ginagawa laban sa kanila.

AYON

BATAY

DRUGS ADMINISTRATION

EDNA BACALLA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT JUDGE AMOR REYES

MARCO POLO

MARCO POLO FLOUR MILLS INC

SHY

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with