^

Bansa

Dress code sa Senado

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines –  Simula sa susunod na linggo, ipagbabawal na sa mga reporters na nagko-kober sa Senado na magsuot ng rubber shoes, kupas na maong,  at rubber slippers.

Ang istriktong pagpapatupad ng dress code para sa mga media na nagko-kober sa Senado ay nakapaloob sa memorandum na ipinalabas ni Raymundo Corro, Public Relations and Information Bureau chief ng Senado.

Bagaman at papayagan pa rin ang pagsusuot ng maong, o denim pants, para sa mga kalalakihan at kababaihan, hindi umano ito dapat kupas, may sira o rugged at dapat ay i-partner sa collared shirts.

 “Please be advise that starting January 17, 2011, Monday, all media personnel co­vering the Senate are required to wear proper attire during Senate plenary sessions and committee procee­dings,” anang memorandum na ipinalabas ni Corro.

Hindi na papayagan ang pagsusuot ng t-shirt na walang collar para sa mga lalaki

Nakapaloob din sa memorandum na ang mga lalake ay dapat magsuot ng slacks, pants, at suit pants, denim jeans, collared t-shirts, short o long sleeved polo shirts.

Ang mga babaeng reporters ay papayagan pa ring magsuot ng ‘classic sleeveless’ tops pero dapat umano itong nakapaloob sa car­digan o jacket.

BAGAMAN

CORRO

DAPAT

MAGSUOT

NAKAPALOOB

PUBLIC RELATIONS AND INFORMATION BUREAU

RAYMUNDO CORRO

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with