^

Bansa

Bulakenyo umiskor sa illegal mining

-

MANILA, Philippines - Tagumpay ang mga Bulakenyo sa kanilang anim na taong pakikipag­laban upang tuluyan nang matigil ang illegal na pagmimina ng marmol sa makasaysayang Biak na Bato National Park sa bayan ng San Miguel sa Bulacan at ang pagkasira ng kalikasan sa lalawigan.

Ito’y kasunod ng pagkansela ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) na iginawad sa Rosemoor Mining and Deve­lopment Corp. (RMDC), na tanging mining operator sa naturang lugar.

Sa kautusan na may petsang Dec. 28, 2010, pinuna ng DENR ang naging paglabag ng minahan base sa mga isinasaad ng Philippine Mining Act of 1995.

Ayon kay Bulacan Rep. Jonjon Mendoza, na masigasig na lumaban sa illegal na pagmimina mula pa nang siya ang gobernador ng lalawigan kasama si dati ring Gov. Jose dela Cruz mula pa noong 2004, agad siyang maglulunsad ng programa para sa rehabilitation ng Biak na Bato.

Sisiyasatin din niya ang reklamo laban kay Bulacan Gov. Wilhelmino Alvarado sa Office of the President na inakusahan ng pag-uutos ng bawal na paglilipat ng mga marmol mula sa minahan.

?Inireklamo ng mga residente sa DENR ang masamang epekto ng minahan sa tubig na nag­mumula sa Biak na Bato patungo sa Angat watershed, na apektado din ang mga panguna­­hing pinang­gagalingan ng supply ng tubig sa Metro Manila at ang pagkasira ng mga kalsada na dinadaanan ng mga trak ng Rosewood bukod pa sa ilang patayang naganap sa minahan dahil sa pag-aagawan sa pag-aari nito ng dalawang tao.

BATO

BATO NATIONAL PARK

BIAK

BULACAN GOV

BULACAN REP

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

JONJON MENDOZA

METRO MANILA

MINERAL PRODUCTION SHARING AGREEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with