40 death toll sa landslide/flashflood
MANILA, Philippines - Tumaas na sa 40 katao ang death toll sa pananalasa ng flashflood at landslide sa delubyo ng malalakas na pag-ulan dulot ng ‘tail end of a cold front’ sa Regions 4B, 5, 7, 8, 10, 11, CARAGA at ARMM.
Pinakahuling naidagdag sa mga nasawi ang pito katao na nalunod sa Eastern at Northern Samar.
Nananatili naman sa walo ang sugatan at pito ang nawawala habang lumobo na rin sa mahigit 248,000 pamilya o halos 1.3 milyon katao ang apektado ng kalamidad.
Mula ang mga ito sa 1,350 barangay sa 144 na munisipalidad at 11 lungsod sa 23 lalawigan.
Pinakagrabe namang naapektuhan ang CARAGA Region na umaabot sa 112,096 pamilya o kabuuang 601,804 katao.
Umakyat naman sa mahigit P898 M ang halaga ng pinsala ng kalamidad sa mga apektadong lugar. Mahigit P593M dito ay pinsala sa imprastraktura at halos P224M naman ang halaga ng mga nawasak na pananim.
- Latest
- Trending