Run for a MAMMOGRAM program, pangungunahan ni Joy B
MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang isang benefit run para mapalawak ang kaalaman ng publiko hinggil sa breast cancer sa Marso 6 ng taong ito sa ilalim ng proyektong “Run For A Mammogram” na gagawin sa UP campus.
Bukod sa public awareness sa breast cancer layunin din ng proyekto na makalikom ng pondo para makabili ng bagong mobile mammogram sa QC at tuloy mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga kababaihan sa lunsod.
Dalawang kababaihan mula sa bawat barangay ng bawat distrito sa lungsod ang kaisa sa pagtakbo na suportado ng mga city councilors dito.
Umaasa si Vice Mayor Belmonte na sa pamamagitan ng proyektong ito ay maunawaan ng lahat ng mga kababaihan sa QC ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan sa pamamagitan ng pagpapasailalim sa early screening at kumpletong aktibidad ng programa.
Ang lahat ng mga kababaihan sa QC ang benepisyaryo ng naturang proyekto.
- Latest
- Trending