Presyo ng gulay 'di tataas - DA
MANILA, Philippines - Pinawi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala ang pangamba ng publiko hinggil sa pagtaas ng halaga ng mga gulay dahil sa epekto ng panahon ng tag-lamig sa mga pananim.
Ayon kay Alcala, walang dahilan para tumaas ang presyo ng gulay kahit maraming lugar sa bansa ang dumaranas ng pag-uulan at sobrang tag-lamig sa Benguet dahil marami namang alternatibong lugar na maaaring pagmulan ng suplay ng gulay tulad sa lalawigan ng Quezon, Nueva Vizcaya at Laguna na nagpo-produce ng mga di-kalidad na gulay sa bansa.
Kung mayroon mang napapaulat na pagtaas sa presyo ng gulay, ito ay dahil nagbabalik lamang ito sa dating presyo noong bago ang kapaskuhan.
- Latest
- Trending