^

Bansa

Mga panukalang batas na kasama sa legis agenda ni P-Noy, nasala na ng mga miyembro ng Gabinete

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Inihayag noong Martes ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. na natukoy na ng Gabinete ang 32 panukalang batas na ipapasa kay Pangulong Noynoy Aquino bago ang nakatakdang pulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa katapusan ng buwan.

Tinipon ni Ochoa kamakalawa ang mga miyembro ng Gabinete para pagpulungan ang mahahalagang panukalang batas na isasama sa Priority Legislative Agenda ng administrasyon.

“The priority legislative mea­sures we have crafted are consistent with the President’s social contract with the Filipino people,” ani Ochoa. “We want to ensure that this administration succeed in addressing this with the help of Congress.”??Ang mga layunin ng priority legislative agenda ay ang mga sumusunod:

Pagsugpo sa kahirapan at   pag­kakaroon ng malusog, edu­ka­do, at makapangyarihang ma­mamayan;

Pagsusulong ng produktibidad, pangangalap ng empleyo, at pagtiyak na mayroong sapat na pagkain;   

Paghikayat para sa pagka­karoon ng mas maraming public-private partnership at pag-iral ng isang competitive policy environment;

Pagtatanggol sa ating kalayaan, pagtiyak sa seguridad, at pagsunod sa batas; at Pagpapalakas sa kapasidad ng burukrasya na makapamahala.

Ayon sa Executive secreta­ry, 139 panukalang batas ang inihain ng mga miyembro ng Gabinete at 41 naman ang ipinasa ng Joint Foreign Chambers of Commerce of the Philippines.

Ang mga naturang panuka­lang batas ay nakabatay sa li­mang cluster na ang bawat isa ay kumakatawan sa isang critical area, ani Ochoa. Ang mga pi­nu­no ng limang cluster ay sina Vice-Pres. Jejomar Binay, Human Development; Economic Secretary Cayetano Paderanga Jr., Economic Development; DPWH Secretary Rogelio Singson, Infrastructure Development; DOJ Secretary Leila De Lima, Rule of Law; at Ochoa, Good Governance.

Idinagdag ng Executive Secretary na naniniwala ang administrasyon na sa tulong ng Kongreso ay madaragdagan o di kaya ay mas mapapahusay pa ang mga panukalang batas na ipapasa rin naman sa mga mambabatas.  

vuukle comment

ECONOMIC DEVELOPMENT

ECONOMIC SECRETARY CAYETANO PADERANGA JR.

EXECUTIVE SECRETARY

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO N

GABINETE

GOOD GOVERNANCE

HUMAN DEVELOPMENT

OCHOA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with