^

Bansa

Pag-aabogado ng PAO sa Vizconde kinuwestiyon

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Kinuwestyon kahapon sa Department of Justice (DOJ) ng isang concerned citizen ang kwalipikasyon ng Public Attorney’s Office (PAO) para mag-abogado kay Lauro Vizconde. 

Ginamit na batayan sa formal complaint na inihain ng mga nagpakilalang concerned citizen na sina Rodel Davalos at Chris Frondoso ang PAO Memorandum Circular No. 18 Article 2 section 7 kung saan pinagbabawalan ang mga abogado ng PAO na humawak ng mga kasong criminal at mga kaso na may conflict of interest. 

Ito ay dahil si Acosta ay kamag-anak ni Estrelita Vizconde, isa sa mga biktima sa karumal-dumal na pagpatay kung saan ang itinuturong akusado ay ang grupo ni Hubert Webb. 

Kinuwestyon rin ng mga complainant ang pagiging indigent ni Vizconde na nakatira pa umano sa isang exclusive subdivision sa Paranaque City. 

Sa ilalim aniya ng Rules of Court, ang isang indigent litigant ay hindi dapat magkaroon ng mga pag-aari na lalagpas sa tatlong daang libong piso. Tanging ang mga walang kakayahang magbayad ng serbisyong legal ng isang abogado ang maaaring hawakan ng PAO. 

Nakasaad sa reklamo na hindi kasama sa PAO citizens charter ang pagrepresenta sa mga indigent sa paghahain ng motion for reconsideration.

CHRIS FRONDOSO

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESTRELITA VIZCONDE

HUBERT WEBB

KINUWESTYON

LAURO VIZCONDE

MEMORANDUM CIRCULAR NO

PARANAQUE CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with